3

2019 Words
IN THAT three days staying at the hospital Jaden took all charge of her.. At that short period of time ay nakapalagayan nya agad ito ng loob, marahil sa light aura at jolly ng personality nito na nakasundo ang lahat at maging ang parents nya ng minsang dumaan ito doon. Nagderetso sila sa apartment malapit lang sa Casa de Guia na syang pagtratrabahuhan nito. Yes, he hired her as a part of their marketing and organizing team ng events ng Restaurant kahit hindi pa nya nakikita ang records nito. She already trust her that much. Bagay na hindi naman nya balak bawiin dahil sa geniune expression nitong sobrang saya ng sabihin nya iyon. "Grabe boss ang ganda naman ng apartment na to. Ayos nga lang sa akin kahit bed spacer lang ako." Sambit ni Ella ng ilibot ang tingin sa apartment. "Seriously? Maganda na ito sayo? It's just a small room and look, halos magkakonekta na nga ang living area sa kitchen may wall lang na nagdivide." Paliwanag ni Jaden. Malinis naman ang buong apartment at simple lang. He could just ask her to live in his condo dahil may dalawang guestroom naman sya, but that would be awkward dahil babae ito at lalaki pa rin sya. Kahit na nga alam nyang wala silang gagawing masama.. Mapanghusga kasi ang mga tao as if they did not commit any mistakes in their lives. "Sus! Alam mo ba boss na halos ganito lang din yung bahay namin malaki lang ng konti dito dahil sa bakuran. Pero mas maganda to barong-barong lang yung amin. Pero homey pa rin naman." She chuckled. Madaldal talaga. He thought. Naghanda si Jaden ng lunch para dito at nagsimula silang kumain.. And since nakilala nya ata ang dalaga ay hindi ito nauubusan ng kwento. "Are you sure you will be okay here alone?" He asked bago sumakay sa kotse nya. "Yes boss. Keri ko na sumabak sa trabaho kahit bukas na nang masimulan ko ng makabayad sa marami kong utang sayo.." Pabirong sabi ng dalaga. Sinabihan nyang next week nalang ito magsimulang magtrabaho upang masigurong magaling na ang naging tahi nito. "Don't mention it. Well, see you next week Ms. Daniella Fernandez?" he smirk mentioning her full name. "Aye aye po Boss!" Nakangiting sabi nito na sumaludo pa sakanya. Napailing nalang ang binata pero hindi maikakaila ang ngiti rito. Pinaandar na nya ang sasakyan papunta sa Resto para saglit na i-check ito. Ilang araw din syang panay ang silip lang dahil sa hindi nya maiwan mag isa si Ella. Sinalubong si Jaden ng mga empleyado ng bati ng makita sya ng mga ito. Nagbilin lang sya sa mga ito ng dapat gawin and he will be back tommorrow dahil kailangan muna nyang magpahinga. Pagkatapos ay umuwi si Jaden sa sarili nyang pad at nahiga sa kama. Parang ngayon lang sya nakaramdam ng pagod sa tatlong araw na pagbabantay kay Ella. As of a que ay biglang nag appear sa isip nya ang masayang mukha ng dalaga at nakangiting nakatulog sya. MATAPOS ang isang linggo ay handa na si Ella sa bagong trabaho nya. Ala- sais palang ay nasa tapat na agad ng Casa de Guia si Ella. Napahanga sya sa ganda at sosyal ng restaurant at sa tingin nya ay mga bigtime lang ata ang ina-allow na kumain dito. Hindi alam ng dalaga kung papasok na ba sya o hindi.. Maaga pa kasi, nakatingin lang sya sa harap nito ng may lumabas na binata mula sa Resto na pamilyar sakanya. "Ui Miss beautiful! Aga nyo po ata? Sabi ni Chef i-welcome ka daw namin hindi ko alam ganito pala kayo kaaga papasok. Hindi pa kami prepared!" Natatawang sabi nito. Kung hindi sya nagkakamali ay ito yung binata na kasama ni Kuya ben noon sa ospital. Diego ata? "Good morning Diego? Tama ba?" Paninigurado nya matapos batiin ito. "Yes miss beautiful! Mabuti naman at tanda mo pa ko, iba talaga pag gwapo nuh?" Nagpogi sign nanaman ito. Naiiling nalang na sinakyan nya ang trip ng binata hanggang sa ayain na sya nito papasok at ipakilala daw sa iba pang mga empleyado sa kitchen. "Wow! Di ko alam na mas maganda pala sya kesa sa imagination ko na kwento nitong si Diego." Sabi ng isang  babae doon na tingin nya ay isa sa mga chefs rito matapos syang i-introduce ni Diego. "Salamat po.. Ako po si Daniella but you can call me Ella." Mahinhing pagpapakilala nya. Syempre kailangan maging demure muna sya at baka magtanggal kaagad sya sa trabaho dahil sa sobrang daldal nya. "Hi Ella welcome to Casa de Guia.. Well, ako si Chef Tin and this is chef France, then yung kambal na si Chef Seb at Chef Sab, then si Chef Nel assigned Chef kami sa Asian and European Dishes. Eto naman si Chef Jem, Chef Pats at Chef Neah sila yung naka-assign ang Dessert and Pastry." Pag papakikala ni Chef Tin sa mga kasamahan habang tinuturo yung mga pangalang nabanggit. Nginitian at binati sya ng mga ito kahit halatang busy sa mga ginagawa. "Hello at good morning po sainyong lahat! Ella po.. At your service!" Hindi nya napigilan ang pagiging jolly at halatang natuwa ang mga tao roon sakanya. "Good morning Philippines!" Bati ng lalaking kakapasok lang. Lahat sila ay masayang binati ang binatang kakapasok lang at nag aayos ng Chef uniform nito. "Required ba sa Restaurant na to na magaganda at gwapo ang mga Chefs?" Wala sa sariling sabi ni Ella na nakatingin pa rin sa gwapong mukha ng lalaking kadarating lang. Paano ay lahat ata maski yung dishwasher ay mga good looking. Buti na lang din at may ganda din syang taglay kaya hindi sya O.P. kung sakali. "Not necessary Miss.. Nagkataon lang siguro." Matamis na ngiti ang ibinigay ng binatang kanina pa nya tinitignan at nakalapit na pala sakanya. Shemay! Mas gwapo pala ito sa malapitan.. She stared at his face, blue eyes, pointed nose, and kissable lips.. Hindi malalayo ang itsura at tindig kay Chris Evans. Bakit ang pogi nya? "Ella napanganga ka na kay Chef!" Natatawang hirit ng ilang tao sa kusina. Parang doon naman sya natauhan. Ayy kamote! Ipakain nyo ko sa lupa please! Namula ang buong mukha nya at nag iwas ng tinggin sa lalaki. "A-he-he s-sorry po.. Pogi po kasi. Madalang samin un. He he he" pilit na tawang sabi nya just to cover her embarrassment. "Cute.." He pinched her nose at napatingin sya dito na malapit pa rin sakanya. "By the way.. I'm the most gorgeous Chef here.. Chef Hanz Guia." Nakangiti pa rin ito at inilahad nito ang kamay sakanya. "A-ahm ano ho.. Ako ho si Ella.. Daniella Fernandez.. O-oo Ella po ako." Nauutal na sabi nya na hindi na alam ang dapat sabihin. Nagtatawanan naman ang mga nasa kusina habang nakatingin sakanila. Inabot nalang nya ang kamay sa binata at nakipagshakehands pero hinalikan nito ang likod ng palad nya at napasinghap sya sa ginawa nito. Nakarinig nalang sila ng malakas na pagtikhim sa gilid. "Aga naman nyan Brad. Start your work now.." Seryosong sabi ng kadarating lang na si Boss Jaden at tinapik ang balikat ni Chef Hanz. "Asus selos! Nice to meet you Ella.. See you laters baby.." He wink at her na ikinatawa ng lahat ng nakatingin sa kanila dahil literal na napanganga talaga sya kung hindi pa sya hilahin ni Jaden ay hindi sya matitinag ata. "Wag kang lumapit sakanya. He's a playboy." Seryosong sabi ni Jaden ng nahila sya nito papasok sa opisina nito. "Wow! Boss office mo to? Ganda ahh.. Kaso parang very manly at plain lang pero sabagay lalaki ka kaya ganyan neh? Pero maganda at mukhang sosyal." Buong paghangang sabi ni Ella sa opisinang pinasukan nila. Napakunot naman ang noo ng binata. "Hey, did you even listen to what I've told you?" He hissed. Aga ko yatang nabugnot? Jaden thought. "Ay ano na ho yun boss? Hehe, Napahanga lang kasi ako sa ganda ng office mo. Kasi parang sa mga magazines at brochures lang ako nakakikita ng ganyan! Tapos mas maganda pala sa personal. Ang galing!" Natutuwang sabi nito at naupo sa sofa. Napailing nalang sya. Her childish act and innocence. Tsk. "Anyway kumain ka na ba? Sabayan mo ko." Di pa nakakasagot ang dalaga ay tumawag na si Jaden sa intercom para na connected sa kitchen para magpadala ng breakfast for two. "Yes boss nagkape na ko kanina bago ako pumasok dito." Sagot ng dalaga. Napakunot na naman ang noo nya. "Kape lang? " tumango ito. "Oo ayos lang naman. You know nagtitipid pa ako kasi first day ko palang, kaya dapat pag-igihan ko na diba? Para makapag request ako if pweding per day muna ang sahod ko? Para makabili naman ako ng supply ko sa bahay at matinong damit." Paliwanag ng dalaga. "I can give you that. After nating kumain dito ipag grogrocery kita." Sabi ng binata. "Ayy boss wag! Ayoko non.. Puro nalang ikaw Boss. Nakakahiya na noh? Kahit naman ganito ko marunong din ako mahiya.. Napakalaking abala na nga ng tatlong araw na pag sama mo sakin sa ospital. Tapos may pa-bahay at trabaho agad. Sobra sobrang pag tulong na yun, baka hindi na ako makabayad." Nakayukong sabi ng dalaga. Sa ilang araw yata na nakilala nya ito ngayon lang nya nakitang nakasibanggot ito. "Okay.. We will give your daily salary kahit hindi naman talaga ganon ang policy.. But we will buy groceries for you." He said. "Salamat boss! Pero kaya ko naman bumili ng pakonti konti lang muna. Wag na pong maggrocery kapag nakaluwag nalang po ako, mapagkakasya ko na yung arawan na sweldo. Isang buwan lang naman na ganun. Then kapag pwedi na every month na ang swelduhan nyo sakin." Tinitigan nya ito at sinusuri. Bakit ba ayaw na nyang magpatulong sakin? It's my own will naman, sa isip isip ng binata. "Boss please? Alam kong mabait kayo.. Ayoko lang na may isipin ang ibang tao na inaabuso ko na yung kabaitan nyo. Lalo na at halos higit isang linggo nyo palang po akong nakilala. Sobrang tulong na nga itong nagawa mo sakin po at hindi ko alam kung paano pa babawi sa mga tulong nyo." paliwanag ng dalaga. He sighed. "Fine.. But we will buy your clothes." Tatanggi pa sana sya ng putulin nito ang sasabihin nya. "Dahil hindi pweding naka tshirt at jeans ka lang kapag haharap sa mga costumers." Huminga naman ng malalim ang dalaga at tumango. "Okay after we eat lets go to the mall." Nanlaki naman ang mata ni Ella. "Mall pa? Wag na boss palengke lang ako keri na! Mamaya after ng shift ko dito ako nalang bibili. Pautangin nyo nalang po ako ng dalawang libo at keri ko na maibudget yun." Sabi ni Ella. "What? Ano mabibili ng 2000?" He said. Her nanay's shoes are 5k ang pinaka mura. "Basta po. Trust me.." Nakangiting sabi ni Ella wala na syang nagawa kundi ang pumayag. Kumain sila at binigyan nya ito ng limang libo pero dalawang libo lang talaga ang kinuha ng dalaga. Nagsimula na syang bumalik sa kitchen at ini-orient naman si Ella ng mga kasamahan nito sa organizing. Naging busy na sya sa kusina at ng magpaalam ang dalaga na aalis na ay di na sya pinasama nito. Ala-singko ng magpaalam si Ella sa marketing head nya para sa start ng trabaho nya bukas. Naging madali lang sa kanyang unawain ang mga itinuro sakanya ng mga ito. Mula sa policies, at every event details ay natutunan nya agad dahil may experience na sya sa pag organize ng activities dahil nuong college at constant officers sya ng kolehiyo nila na nag organized ng bawat activities nila. Nagpupumilit si Jaden sa sumama sakanya pero dahil busy ito sa kusina ay sinabi nyang ayos naman syang mag-isa. Pero dahil makulit ang boss nya wala na rin syang nagawa ng sabihin nitong ipapahatid sya kay Mang Ben at hindi pa nya alam ang pasikot sikot sa Maynila. Tommorow is the day Ella.. She said at masayang nagpaalam sa lahat ng tao sa Casa de Guia. They trusted me, and I'm so blessed because of that.. I will never break that trust. ========== ©Miss Elie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD