73 "How was it?" "How was what?" Maang maangang sagot ni Celine sa tanong na 'yon ni Lena. "Hah! Sige lang Celine Lopez, act innocent. Alam mo naman kung ano yung tinatanong ko, pa inosente ka pa diyan!" Tinignan ni Celine si Lena na binubuklat 'yung menu. Nagyaya kase siya na magkita sila sa labas ng mall na pagmamay ari niya habang lunch break at nasa playschool pa si Rylie. Napagusapan na rin nila ang theme tungkol sa gagawin pictorial and promotions ni Lena para sa mall. "Well?" Lena impatiently tapped her fingers on the table and Celine took a deep breath. "Well, it.. it worked. Mas naging malambing siya kaninang umaga. He even spoon fed me." Nahihiyang amin niya. God! She blushing like a virgin! At siya pa talaga ang nahiyang pag usapan ang mga bagay na 'yun na parang wala pa s