72 "Dito ka ba magdi-dinner, love?" Tumigil si Louie sa tangka nitong paglabas ng pinto at humarap sa kanya. Tila pa ito nagisip sandali at saka humarap sa kanya. "No love, square one ako mamaya." Tumalikod na ito at tuluyang lumabas ng pinto. Nagkibit-balikat na lang si Celine saka siya tumayo mula sa couch. Heto na naman si Louie, gagabihin na naman ng uwi. Medyo nasanay na si Celine na ganoon ang asawa. Hindi niya na nga ito masyadong pinapansin dahil nagsawa na rin siya ng kakaisip kung saan ito nagpupunta at kung sino ang kasama niya. Kapag sinabi nitong kasama nito ang mga kaibigan nila, 'yon na lang ang pinapaniwalaan niya. At kung hindi lang rin naman uuwi ng maaga ang asawa niya, pwede na rin siguro siyang lumabas. Tutal nasa mga magulang niya si Rylie ngayon weekend at wala n