71 What Liam said changed his mind but it's still not enough to let go of Yngrid. Ayaw rin naman ng babae na pakawalan siya kahit na nag uumpisa nang magbago ang pakikitungo niya rito. Hindi na siya ganoon kalambing sa dalaga dahil na kay Celine na ulit ang atensyon niya. Para siyang tumatalon mula sa isang bangka papunta sa kabila, hindi siya makuntento sa kinalalagyan niya dahil palagi na lang may kulang. Tila siya namamangka sa dalawang ilog, at hindi niya alam kung alin doon ang gusto niya talaga. Nagpatuloy pa rin ang relasyon nilang dalawa ni Yngrid. Sa totoo lang, mahal niya na ang dalaga. Pero handa niya bang iwanan ang pamilya niya para rito? Is it the risk worth taking? Sa mata ng diyos at sa mata ng mga tao, maling-mali ang magmahal ng dalawa. Being with Yngrid was fun, she