80 Natagpuan na lang ni Louie ang sarili niya sa square one pagkatapos ng mga nangyari sa opisina. Kasama niya ngayon suna Stephen, Toby, Brad at Iñigo pero walang nagsasalita sa mga ito at hinahayaan na lang siyang mag inom. Wala rin naman siyang balak magsalita, o umamin sa kahit na anong ibibintang ng mga ito sa kanya. Nagkakagulo na sa labas ngunit wala siyang pakialam. Wala na siyang pakialam. Napakatagal na pala nilang alam ang tungkol kay Yngrid at sa relasyon nina Liam at ng dalaga pero wala man lang nagsabi sa kanya. Oo. Alam niya nang may namamagitan kina Liam at Yngrid. Alam niya na rin ant tungkol sa ginagawa ni Liam na panunulot sa dalaga. Kaya pala mula nang bumalik siya ay palagi nang nakabantay sa kanilang dalawa ni Liam ang mga kaibigan, ayaw ng mga ito na magpang-abot s