81 Celine ran as fast as she can. Noong nakarating sa kanya ang balita na naaksidente si Louie halos gumuho ang mundo niya. Tuliro siya, nanginginig siya pero hanggat hindi niya pa alam yung kalagayan ni Louie, kailangan niyang magpakatatag. He needs her. Her husband needs her. "LOUIE!" Humahangos si Celine palapit sa Emergency room. Naagaw niya ang pansin ng doctor na kasalukuyan kausap may kinakausap na ibang tao. Hindi niya naaninag kung sino iyon sapagkat bigla na lang itong tumalikod at naglakad papalayo. Nanlalabo rin ang mga mata niya dahil sa mga luhang nagbabadyang bumagsak galing dito. "Excuse me Ma'am. Kaano-ano n'yo ang pasyente?" Tanong sa kanya ng doktor. Celine took a deep breath bago niya ito sinagot. "Yes, doc. Asawa ko ho siya. Kamusta ho ang asawa ko?" “Mr. Lopez su