82 "Doc, kamusta na ho ang asawa ko? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya gumigising?" Nakausap ni Celine ang neurologist ni Louie. Dalawang araw na ang nakakalipas mula noong naoperahan ang asawa pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. "Mrs. Lopez, I can’t offer any guarantees that he’ll make it. Only time will tell. Obviously the longer he lives, the better his chances are of recovery." Yun yung paliwanag ng doctor kay Celine bago sila pumasok ng kwarto ni Louie. Lumulo na naman ang mga luha niya noong nakita niya ang kaawa-awang itsura ng asawa niya. He looks so helpless. Punong puno ng mga tubo ang katawan nito at may nakakabit pang tubo papunta sa respirator and he's breathing with his mouth slightly open. Hesitantly, Celine approached his bed. He looked so still an