Ninety one "Anong gagawin ni Louie?" Kinakabahang tanong ni Celine. Napatigil pa siya sa paglalakad para harapin si Iñigo. "It's for you to know, and for me to find out." Kibit-balikat nitong sagot at saka nagpatuloy sa paglalakad. Iniwan siya nitong nakatulala at nag-iisip kung anong pinaplano ni Louie. It's probably not evil, or wicked. Okay naman na silang dalawa kung kaya hindi na siguro ito gagawa ng eksena. Napatingin siya kay Louie na sakto namang naka-shoot ng three points, dahilan para lumamang sila sa kalaban. Tumingin ito sa kanya, ngumiti at binigyan siya ng flying kiss. Kagaya ng madalas nitong gawin kapag nanonood siya soccer game ng mga ito at panalo sila. Napahawak si Celine sa dibdib niya ng wala sa oras. Hindi naman masamang aminin na kinikilig siya, hindi ba? Nagla