92 "Nasaan si Iñigo?" Humahangos na tanong ni Louie sa information. Agad naman nitong itinuro sa kanya kung nasaan ang kaibigan. Kasunod niya si Celine na humahangos rin. Hinawakan ni Louie ang kamay nito at sabay silang naglakad papunta sa emergency room. Malayo pa lang ay rinig na rinig na niya ang malakas na sigaw ni Louie. Narinig niya rin ang boses nina Liam at Stephen habang pinipigilan ang pagwawala ng kaibigan. "Wala akong pakialam! Basta gawin n'yo ang kailangan n'yong gawin. Buhayin n'yo si Rizza. Buhayin n'yo ang asawa ko!" Sa huli ay narinig ni Louie na umiiyak na ito. Nagmadali silang dalawa ni Celine at naabutan nila si Iñigo na nakasalampak sa sahig. Nakakapit ito sa binti ng doktor na walang ibang magawa kung hindi titigan lang ang kaibigan. Ganoon din ang ginagawa nila