Heira's POV Salubong ang kilay ko habang nakatingin kay Dark Devil. Nakasuot siya ng makapal Jacket at Nakapamulsa at hindi makatingin sakin ng Deretso. Sinipat ko ang orasan ko. Ala una pa lang ng madaling araw. Dalawang oras pa lang mula ng maghiwalay kami kanina. "Dark Devil, Bakit ang aga mong Mambulaw ha?" Umiwas pa din siya ng tingin habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay. "Eh.. kasi.. Sarado na ang Mansyon namin. Hindi na ako makapasok kaya dumeretso na ako dito." Sagot niya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at pilit kong sinasalubong ang mga titig niya. "Nagsisinungaling ka!" sabi ko. Huminga siya ng malalim. "Fine, Hindi ako makatulog. Iniisip ko ang pagpunta nating dalawa. Kaya kinuha ko lang ang gamit ko para pumunta dito. Atleast kung nandito ako makakatulog