.Heira's POV Tatlong Araw na ang nakalipas ng Mailibing ang Tatay ko. Sa Huling sandaling paghatid kay Tatay sa libingan niya. Hindi kami pinayagang sumama sa paghatid kay Tatay ng Kanyang Pangalawang Asawa. Kaya kahit gustuhin namin hindi na lang kami nagpumilit. Nanood kami ng Movie nila Nanay. Habang kumakain ng popcorn at Fishball. nagluto kasi si Nanay para may kinakain kami habang nanonood ng Movie. Yun na lang ang ginawa naming tatlo upang makalimutan ang problema. Napalingon kami ng tumahol nang tumahol ang mga aso namin. "Tao po!" Agad na lumabas si Nanay upang Tingnan ang tao sa labas. Sumunod naman ako kay Nanay. Nakita namin sa labas ang pamilyar na lalaking nasa harap ng bakod namin. "Magandang umaga po Ma'am Adrianna. Inutusan po ako ni Ma'am Abelina na sunduin ang anak