Heira's POV; "Hoy! Heira!" "Heira!" "SUNOG!!" Bigla akong napatayo dahil sa pagkagulat. Mabilis kong kinuha ang bag ko na nasa ibabaw ng Table. "Sunog! Sunog!" Ulit ko pa. "Hoy Heira! Kumalma ka nga!" Sabi ni Meazy, Tiningnan ko ang buong paligid ko. Bigla akong napahiya dahil nakatingin sakin lahat ng mga estudyante sa loob ng Cafeteria. muli kong binaling ang tingin ko kay Maezy at Phoebecate na nakasimagot. "Kahit kelan talaga Meazy nakakabadtrip ka!" Sabi ko. Pagkatapos muli akong umupo at nangalumbaba sa table. "Ayan! Ayan nga ang sinasabi ko eh, yang itsura mo ang lakas maka Ninoy eh, buti sana kung napapalitan yan!" Reak ni Maezy. Uminom muna ng Juice si Phoebecate bago nagsalita. "Ano bang problema mo? Bakit mo pinagtataguan si King? Siguradong kapag nalaman niyang nandi