AMANDA Tumayo naman siya at hinila ako sa cottage namin. Pinaupo niya ako at pinagsilbihan. So sweet of him, right? Ganito pala kasarap 'yong pakiramdam na may nag-aalaga at nagmamahal sa iyo. Pinili kong magpakasarili upang maging masaya. At nakuha ko naman ang ninais ko. "Say ah?" Natatawa akong umiiling. Sinusubuan niya kasi ako. "No!" awat ko. Napanguso naman siya. "Please..." No choice akong kinain 'yong pagkain. It's not my thing but I am trying to be sweet. After we ate, we decided to swim na. "Come here." Hinila niya ako paupo sa sun lounge pagtapos ay kinuha niya ang sunblock. Napahalukipkip ako. "What are you doing?" maang ko. "I'm molding." I smirked. "Hindi ako clay." Napatawa naman siya ng malakas. "Tsk! I am just putting some sunblock sa prinsesa ko." Tss. Kunwa