AMANDA "May problema ba?" tanong ko kay Thad. Ang lalim kasi ng iniisip niya habang nakatanaw sa dagat. Lumapit naman siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. Marahan din niyang isiniksik ang kanyang mukha sa leeg ko. "Ikaw ang problema ko," bulong niya. Napasimangot ako. "Bakit ako?" Pinaharap naman niya ako sa kanya. "Because I can't get over you." I chuckled and smirked. "Wala ka talagang ibang alibi?" sagot ko. May malalim talaga siyang iniisip at ayaw kong magpanggap na wala akong pakialam. "Nag-usap kami ni Sapphire kanina." "Anong nangyari?" Napahugot siya ng malalim na hininga na para bang ang bigat ng pinapasan niya. "Ayaw niyang makinig. Ayaw niyang maniwala. She's getting nuts." Napailing naman ako. "She loves you, natural lang na 'di niya matanggap 'yon." He