AMANDA The next day..... Nagising ako nang wala si Thad sa tabi ko. Bumaba ako sa kama at isinuot ang robe ko. Napangiti ako nang makita ko siyang nakatayo sa beranda at mukhang ang lalim ng iniisip niya. Marahan akong lumapit ay niyakap siya mula sa likuran. Kinalas naman niya ang yakap ko at humarap sa akin at niyakap ako. "Good morning," bati niya. Marahan din niya akong dinampian ng halik sa noo ko. "May problema ba?" tanong ko. "N-nothing..." sagot niya sabay hugot ng malalim na hininga. Kumalas ako ng yakap sa kanya. "Sigurado ka bang wala?" Tumango lang siya pero sa totoo lang ay hindi ako mapalagay. Nanahimik na lamang ako. Ilang minuto rin kaming nakatayo at magkayap nang biglang may kumatok. "Ako na..." presinta ko. Pagbukas ko ng pinto ay agad na pumasok si Max at siy