THADDEUS WHOA! Gusto kong tumalon sa tuwa. Darn! This is awesome! Kinuha ko agad ang phone ko at kinunan siya ng litrato habang nakangiti. Nang makuhanan ko siya ay agad na ini-set ko ito bilang wallpaper sa aking phone. Damn! I can't believe that she was more than beautiful kapag nakangiti siya. Mas maganda rin kung hindi siya tulog, 'di ba? Pero ayos na ito, at least nakita ko rin siyang ngumiti kahit tulog. Hinawi ko ang ilang strands ng buhok niya na natatakip sa maganda niyang mukha. "Mahal na mahal na kita, Amanda." I confessed. Mas mabuti na 'yong tulog ang kausap ko. I am afraid that she might reject my love. Natatakot din ako na baka lumayo siya sa akin ulit. I know she's still in the process of healing her wounds that cause by my grandfather. Kaya kahit impossible, I'm still