MILES "Talagang hindi man lang nila tayo hinabol, ano? The nerve of that guys!" naiinis na sigaw ni Max habang pabalik-balik sa paglalakad dito sa hotel na tinutuluyan namin ngayon. Nagsalubong ang kilay ko sa tinuran niyang iyon. "Sinabi mo kay Juice na huwag tayong sundan, tapos ngayon magtataka ka kung bakit hindi ka niya hinabol?" "I'm using reverse psychology." "Well you see, it didn't work. Kapag gano'n ang sinabi mo, literal ang dating niyon sa kanila," sabi ko pa. Tumigil siya sa paglalakad at tinapunan niya ko ng masamang tingin na ipinagkibit-balikat ko lang. "But the boys should chase the girls when they walked out." Narinig kong paghirit ni Sam. I rolled my eyes at them. "Yes. The typical boyfriend would chase his girlfriend when they have misunderstanding. But your boyf