SAM "Argh! Ano bang problema mo?!" naiinis na sigaw ko kay Dervin nang basta na lang akong ibagsak sa kama ng silid na pinasukan namin di-kalayuan sa pinanggalingan namin kanina. Hindi man lang nagpakagentleman sa pagbaba sakin. Hmp! "Do you really have the nerve to ask that question, huh?" sarkastikong sabi niya bago nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga. "Alam mo kung anong problema ko. Kung anong problema natin. Alam mo ang ipinagkakaganito ko ngayon kaya huwag mo kong tanungin na para bang hindi mo alam," mariing dugtong niya. "Huh! Babalik na naman ba tayo diyan, Dervin? Hindi ka pa ba tapos sa mga dapat mong sabihin kanina?" "Oo at uulitin ko sayo para maintindihan mo! Narito tayo para sa date natin at hindi para subaybayan ang date nina Captain! You have a boyfriend an