MILES Natatamad pa kong bumangon kaya naman mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa yakap kong unan. Pakiramdam ko ay nakadikit doon ang amoy ni Nate. Hindi ko napigilang mapangiti nang maalalang magkatabi kaming natulog kagabi. Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig na siguradong nagmumula sa banyo. At ilang sandali pa, narinig ko ring may nagbukas na pinto. Hindi na ko nag-abalang magmulat pa ng mga mata dahil isang tao lang naman ang maaaring narito rin sa loob ng silid. Mas lalo akong napangiti nang muling maamoy ang bango ni Nate. At pakiramdam ko pa ay napakalapit lang niyon kaya naman mas lalo kong nilanghap ang bango niya. Ang sarap lang amuyin at hindi masakit sa ilong. Para akong nakalutang sa ulap at ang sarap matulog. "Mine, gumising ka na diyan. Mas magandang higupin mo ang ba