MILES Mabilis na lumipas ang mga araw. Tatlong buwan na ang relasyon namin ni Nate. At sa loob ng mga panahon na iyon, maayos at masaya naman ang pagsasama namin. Hindi pa rin maiiwasan ang konting pagtatalo at tampuhan, pero nagkakaayos at nagkakabati rin naman kami agad. May ilang mga babae pa rin sa school ang nagpaparamdam at nagpapakita ng interes kay Nate, pero hindi na lang niya iyon pinapansin. Hindi na rin siya masyadong lumalandi at nagpapalandi, na ayon naman sa kanya ay pagiging friendly lang ang pinapakita niyang iyon. Natatandaan ko pa nga ang sinabi niya nang minsang sabihin ko na huwag na siyang lalandi sa ibang babae. "Kapag ang mga kaibigan ko, gago ang tingin niyo pero kapag ako, malandi na agad sa paningin niyo. Ganyan naman kayo eh. Mine, gaano ba kahirap aminin sa

