NATHAN Nakaupo ako ngayon sa may balkonahe ng kwarto ko at nakatingin sa kalangitan. Bilog ang buwan at maraming bituin ngayong gabi. Bigla kong naalala ang sinabi ko sa sarili ko bago pa man kami magkalapit ni Mine. Sabi ko noon, hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya hangga't hindi lumilipad ang mga sasakyan at ang mga isda, pumuti na ang uwak at kapag dalawa na ang buwan. Hindi nga ako nagkagusto dahil higit pa roon ang naramdaman ko sa kanya. Kaya heto ako ngayon, nagmamahal at nasasaktan. Last Saturday, I decided to talk to Mine. Nag-text muna ako sa kanya kung pwede ko siyang makausap pero nang mga oras na 'yon, nakaparada lang ang sasakyan ko malapit sa bahay nila. Nang matanggap ko ang reply niya na hindi pwede dahil may lakad siya, nag-decide akong personal na siyang kausa