MILES Tumingin ako sa salamin at nakita ko na naman ang pamumugto ng mga mata ko. Napabuntong-hininga na lang ako bago lumabas ng kwarto. Nagpaalam na rin ako kina Mama at Miller para pumasok sa school. Alam kong maaga pa para sa unang klase, pero nagpasya na rin akong umalis para makapagpahangin at makapag-isip nang mabuti para sa susunod kong gagawin. Gusto ko pa ring makausap si Nate at linawin sa kanya ang kung anumang hindi namin pagkakaunawaan. Natigilan ako nang pagbukas ko ng pinto, may lalaking nakatayo sa tapat ng bahay namin at nakasandal sa kotse nito habang may hawak na gitara. Parang tinambol ang puso ko nang kumaway at ngumiti siya sa'kin. "Hi! Good morning!" Anong ginagawa niya rito nang ganito kaaga? pagtataka ko. At bago pa man ako makapagtanong, muli siyang nagsalit