Cellphone Motana POV. Nakakapamangha dahil magaan ang pagtulog ko ng gabing iyon. Parang nawalan ako ng bigat ng loob dahil sa aking pagtapat kay Gregor. Pag gising ko, napangiti ako. Ayos lang yan Motana. Ngayon, hindi ako mahihirapan na lumayo sa kanya dahil siya na mismo ang lumalayo sa akin. Ang tanging problema ko nalang ay kung paano hanapin si ina. Tulad ng dati, pumasok si Helgad para paliguan at ayusan ako. Tahimik ako habang kung ano ano ang kanyang sinasabi. Nang bumaba ako ay nakita kong nasa kusina na at kumakain si Katana. Nang magkatitigan kami ay nakita kong nag aalala ang kanyang mga tingin sa akin. "Kumain na tayo.." anyaya niya. Tumango ako at ngumiti. Kumain kaming dalawa. "Naiisip ko ang naiisip mo.." aniya bigla sa gitna ng aming pagkain. Hindi ko tinanon