Mapait. Katana POV. KATANA POV. Mas pipiliin ko na lang na magkulong sa aking silid kaysa pagselosan na naman ng aking kambal ang interaksyon namin ni Gregor kahit wala naman iyon. Para sa akin ay simple lang ang mga hawak niya at pagtulong sa akin. Masyado lang mahal ng kambal ko ang lalaking iyon kaya maging ako ay kanyang pinagseselosan. Iniintindi ko nalang ang nararamdaman ng kambal ko. Nakahiga ako sa kama ng biglaang tumunog ang cellphone na binigay ni Lord Jones sa akin. Sinagot ko iyon. "Bakit?" bungad ko. Nasasayahan ako dahil ngayon lang ako nakasagot sa isang cellphone at naririnig ko ang boses ni Lord Jones! Nakakamangha! Gustong gusto ko na itong cellphone na ito. "What are you doing now? I mean.. Ano na ang ginagawa mo?" Ngumuso ako at dumapa. "Nasa kama,