Dahil..ito na ang huling pagkakataon ko bago ako umalis dito sa lugar ng mga tao. Si Inang Valentina? Hindi ko na alam ngunit nagpapabatid sa akin na bumalik na siya ng gubat at marami akong gustong tanungin sa kanya. Si Motana? Siya ang huling taong kakausapin ko at hihingi ako ng tawad. Hindi ko siya aalukin na sumama sakin kung pipiliin niya dito. Masaya na ako na makita si Lord Jones na masaya sa kanyang simpleng buhay. Saktong dumating ang order ko na mga inumin. Halos sari sari iyon lahat at hindi ko alam kung ano pero ininom ko naman ang isa at nagustuhan ang lasa nito. "Hmm, sarap.." May nakita akong pa balik balik na lalaki at tingin ng tingin sa akin. Ngumuso ako at umiwas pero nang ilang sandali ay hindi na yata nakaya ng lalaki at umupo na sa tabi ko. May dala pa siya