Katana POV. Kakalabas ko lang sa Jolibee ng Ilo ilo. Nakita ko kasing marami rin palang pulubi dito at namamalimos kaya naisipan kong mamili ng marami at ipamigay sa kanila. Nasa compartment ako ng sasakyan at nakangiting pinamimigay ang mga pinamili ko kanina sa kanila. "Maraming salamat po! Madamo gid nga salamat day!" "Walang anuman po!" sagot ko sa babaeng may anim na anak na binigyan ko. Yun na ang huli kong nabigyan. Halos pag pawisan ako at buti nalang nakaalalay sa akin ang mga tauhan ni Greg. "Ma'am! Saan tayo sa susunod?" tanong ng tauhan ni Greg nang sarahan niya ang compartment ng sasakyan. "Mauna na kayo manong. May pupuntahan lang ako.." sabi ko. Papalubog na ang araw at wala pa akong planong umuwi. Kung si Greg pa, masyado na akong naging lakwatsadera dito sa lu