Kinakastigo ko ang sarili sa pag iisip ng ganon. Hindi ko dapat husgahan ang taong nakaranas ng karahasan. Ayokong maging isa ako sa mga taong pinagmumulan ng karahasan. Naging mas busy kami ngayon dito sa hacienda. Lalo na't inaayos nila Don Juanito ang sitwasyon ni Venus. At tama nga sila, si Venus ay isang Escobar. Ang ama nga nito ay totoong brutal. Iniwan ko ang kambal pagkatapos kong patulugin. Ang ihip ng hangin dito sa hacienda ay malamyos at sadyang nakakaantok. Kahit nakaramdam ako ng antok, pinilit kong bumaba at hanapin si Venus na medyo nakakausap na namin ngayon, kaysa noong kailan. Sila Darla ay pumupunta rin dito, minsan siya lang mag isa ,minsan kasama niya ang anak at si William. I miss my father too. He's busy right now. Naging mahirap rin dahil magtatransfer

