Nagising ako na nasa aming kuwarto. Hindi ko inaasahan ang mga ito. Madamdamin akong tahimik lamang habang kinakausap ni Ezekiel ang doctor na tumingin sa akin. Tahimik kong kinapa ang aking tiyan. Ni hindi ko namalayan na isang buwan na akong buntis. At dahil sa stress kaya ako nahimatay. Nagpaalam ang doctor at umalis. Si Don Juanito kay nakarating na mula Manila. Nandito rin siya sa loob ng kwarto ko. "You should rest hija. Son, maiwan ko na kayo." tinapik nito ang balikat ni Ezekiel. Zeke just nodded without breaking our stare. Pakiramdam ko gusto ko nalang matulog nang buong araw. Parang hindi ko makapa sa sarili ko kung ano ba ang gusto ko. Umupo si Ezekiel sa aking tabi at hinalikan ako sa noo. Nanatili ang aming noo na magkalapat. Ang kanyang hawak sa aking pis

