Hinayaan ko lang siya sa marahan na paghalik sa labi ko. Nang maramdaman niyang hindi ako tumugon ay unti-unti siyang tumigil, hanggang sa tuluyan na siyang bumitaw ng halik sa akin at tumingin sa mga mata ako. Marahan niyang hinaplos ang mukha ko at ito'y pinakatitigan, 'yung klase ng titig na puno ng pangungulila. “Alam kong kasal na tayo, at galit ka sa akin dahil hindi ko ipinaalam 'yun sa'yo, na pinapirma kita ng marriage contract na 'yun nang hindi mo alam. But believe me or not, masakit din sa akin 'yung ginawa kong 'yun, ginawa kong panluluko sa'yo. Ang totoo niyan ay matagal na kitang gustong pakasalan, 'yung totoong kasal, 'yung normal na kasal tulad ng iba. I want to marry you in a big church. Gusto ko 'yung nakasuot ka ng wedding gown habang naglalakad palapit sa akin na may