“What's the meaning of this, Zayn?” tanong ni Kuya Renz na tila hindi makapaniwala habang palipat-lipat ang tingin sa amin dalawa ni Larco. Napalunok naman ako. “What did you do to my sister? Damn it, sumagot ka!” Nagulat na lang ako nang malakas na itinulak ni Kuya Renz si Larco sa pader at agad itong kiniwelyohan gamit ang braso. Sa lakas ng pagtulak ni Kuya ay alam kong nasaktan si Larco dahil pansin ko ang pagngiwi nito. “Ang sabi mo, wala akong dapat ipagaalala dahil safe sa'yo ang kapatid ko. Pero ano 'tong ginagawa mo sa kanya ngayon? Huwag mong sabihing sinasaksak mo ako ng patalikod? Kaibigan kita pero oras na gagohin mo ng ganito ang kapatid ko ay hindi kita mapapatawad!” “K-Kuya...” mahina kong usal. Gusto ko sanang umawat pero hindi puwede dahil hawak ko pa rin ang kumot