I'M SO HAPPY, yes I am. But at the same time, I feel frustrated. Masaya ako sa pagpayag ni Dad na ipakasal ako kay Larco dahil nga sa may nangyari na raw sa amin tulad ng sumbong ni Kuya Renz, pero hindi ko mapigilan ang malungkot nang hindi pumayag sina Dad at Kuya na tumira ako sa bahay ni Larco. Dapat daw ay makasal muna kami bago magsama sa iisang bubong kahit na sabihing may nangyari na sa amin. Gusto pa sana ni Dad na three months from now on pa ang kasal para mapaghandaan daw ng mabuti, pero umapela naman si Larco at next month na agad ang gusto. Talagang nakuha na nga ni Larco ang loob at tiwala ng parents ko dahil ang dali lang pumayag ng mga ito sa kasal, at hindi naman nagalit nang malaman ang naabutan ni Kuya Renz. Ang ikinalulungkot ko lang ay 'yung mga anak ko. Hindi ko