Chapter 56

2560 Words

HINDI naman ako naging malungkot sa tanang buhay ko dahil palagi akong pinapasaya ng pamilya ko, sinusunod at binibigay nila ang lahat ng gusto ko dahil nga nag-iisang anak na babae lang ako sa pamilya. Pero sa totoo lang, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng saya sa puso ko, kakaibang saya, sobrang saya. Ang sarap lang sa feeling na nakasama ko na ang mga anak ko na matagal nang nawalay sa akin. Ganito pala ang feeling, napakasarap at napakagaan sa pakiramdam. Ngayon ay narito na kami sa loob ng dinning room para sa lunch. Nakaupo na kaming lahat sa harap ng dinning table na puno ng iba't-ibang klase ng pagkain. Katabi ko ang anak kong si Elle, at sa kabila naman sina Larco at Darius katabi ng dalawa ko pang anak na lalaki. “Mommy, I want bacon po...” my baby Elle told me.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD