HAPON na nang makarating kami sa isang sikat na beach resort. Pagdating namin kanina ay agad na nagyayang maligo sa dagat ang triplets. Kaya naman, heto na silang tatlo ngayon, nakabulagta na sa kama at humihilik pa dahil sa sobrang pagod sa kakalangoy. Napangiti na lang ako at maingat silang kinumutan. Nahiga na rin ako sa kanilang tabi. Buti na lang ay malaki itong kama kaya kasyang-kasya kaming apat. Nang mapatingin ako sa aking pambisig na relo ay 9:49 PM na rin pala, oras na nga para matulog. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para sana makatulog na. Pero wala pang dalawang minuto akong nakapikit, nang marinig ko naman ang tunog ng marahan na pagbukas ng pintuan, kaya muli akong napamulat. Paglingon ko ay agad na kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang lalaking pumasok. Nak