DAHIL kay Kuya Cev ay napauwe kami agad nang wala sa oras. 'Yung first bonding sana namin ng mga anak ko ay hindi na natuloy. Nakakalungkot sa totoo lang. Pansin ko rin ang kalungkutan sa mukha ng mga anak ko. Nakokonsensya tuloy ako. Kung bakit naman kasi sa dinami-rami ng lugar na puwedeng puntahan nina Kuya Cev ay doon pa talaga sa resort na 'yun ang napili nila. Nakakainis lang. Naiinis ako kay Kuya! “Don't be sad, sweetheart. May next weekend pa naman, pupunta ulit tayo sa beach kasama si Mommy,” ani Darius. Nakatulog na sa lap nito ang anak na si Reign. Si Gel ay nakahiga naman sa lap ko at nalibang na sa paglalaro sa kanyang tablet, pero kanina ay nakasimangot ito. “Okay po, basta kasama pa rin natin si Mommy ko,” sagot ni Elle na ngayon ay nakasandal naman sa dibdib ni Larco at