DUMATING kami ng Isla sakay ng helicopter, si Henry ang nagsilbing piloto, ni hindi ko inakala na magaling pala siya magpalipad ng mga eroplano, helicopter. Tuwang-tuwa naman ang mga anak ko na gusto na agad maligo sa dagat pero pinagbawalan ko, katanghalian kasi nang dumating kami at sobrang init pa ng sikat ng araw, masyadong masakit sa balat. May isang malaking white house na isang pangkat lang ang nakatayo sa Isla at dalawang cottage malapit sa pampang. May mga surfboard din at jet ski. Napakaganda ng tanawin, napakalinis ng Isla at talagang puting-puti ang buhangin. Bigla ko tuloy naalala na naman ang nakaraan kung paano ko nakilala ang ama ng mga anak ko, at kung paano rin nagtapos ang aming pagsasama sa pinaka-tragic na katapusan. Kung maaari ay ayaw ko nga sana sa Isla kami pupu