Nakasunod lang kami ni Larco kina kuya habang nililibot ang loob ng mansyon. Talagang hindi nila pinalampas pati third floor at rooftop. And thanks god, 'yung mga picture namin na nakasabit sa wall na nasa second floor ay wala na lahat. Mukhang mabilis nga talagang kumilos si Henry. Ngayon ay pababa na kami sa hagdan galing rooftop. “Nalibot niyo na ang buong mansyon pero wala naman kayong nahanap, siguro naman ay puwede na kayong umalis niyan, kuya?” Napahinto si Kuya Renz at napataas ang kilay sa akin. “At sinong may sabi sa'yo na tapos na naming libutin lahat?” “H-huh?” Napalunok ako. No. Huwag naman sana 'yung kuwarto. “What do you mean?” Napahinto na rin si Larco. Nakaalalay ang isang braso nito sa baywang ko. “Hindi pa namin nabubuksan ang mga kuwarto. Baka kasi naroon pala