7:25 PM. Nasa airport kami ngayon ng mga anak ko para ihatid si Darius dahil may business trip ito papuntang Japan. Matapos bigyan ng halik sa pisngi ang tatlong anak ay lumapit naman sa akin si Darius, hinawakan nito ang mukha ko at marahan na hinaplos-haplos. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito. “Parang ayoko talagang umalis, mahal. Dapat kasi sumama na lang kayo sa akin, eh.” Mahina naman akong napatikhim at pinilit na ngumiti. Hindi pa rin talaga ako komportable sa pagtawag niya sa akin ng mahal. Parang naiilang pa rin ako. Hindi ako sanay. “A-Ano ka ba alam mong hindi puwede, 'no. Four days mo lang naman kami hindi makakasama.” Darius frowned. “Baka hindi ako abutin ng four days doon, masyadong matagal ang apat na araw. Hindi ko kayo matiis ng ganoon katagal.”