Kierra's POV “Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday, happy birthday, triplets!” Matapos kumanta ay malakas kaming pumalapak kasama ng buong pamilya ko habang nakatingin sa triplets kong anak na ngayo'y nakaupo sa magarang couch na akala mo'y mga prinsipe at prinsesa. Naka-black tuxedo si Brandon, royal blue kay Adrius, at naka-pink gown naman si Elle na may nakapatong pang crown sa ulo. Napaka-cute nilang tingnan. Ang sarap panoorin ng kanilang ngiti. It's their 7th birthday today. Ang bilis ng panahon, parang kailan kailan lang ang liliit pa nila, five years old pa lang, pero ngayon seven years old na sila. Pangalawang birthday na nila ito nang wala ang kanilang ama. Buti ngayon hindi na malungkot ang emosyon ng mukha nilang tatlo, 'di tulad nu