Book 2- Chapter 2

2601 Words

NAKAKALUNGKOT, nalulungkot ako sa pagpanaw ni Mang Erbin. Nang tawagan ko ang mga pinsan nito para mag-asikaso ng bangkay dahil nga sila na lang ang natatanging pamilya ng matanda ay nakakalungkot lang dahil tudo tanggi sila, ni isa ay walang may gustong kumuha o umasikaso sa kanyang bangkay. Si Mang Erbin kasi ay matandang binata kaya ganoon, wala siyang naging anak ni isa o asawa. Masasabi kong napaka-heartless ng kanyang mga kamag-anak na ni isa ay wala man lang gustong tumanggap sa kanyang bangkay. Samantalang nung buhay pa iyon ay palaging ikinukuwento sa akin ang kanyang mga pamangkin na tuwing sahod niya ay hindi niya nakakaligtaan magbigay ng mga regalo at pera. Pero ngayon wala na siya ni hindi man lang siya pinahalagahan ng kanyang mga kamag-anak. Hindi ko alam na may ganoon pal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD