10:45 PM na nang makarating kami ni Andrie sa kanilang probinsya, halos apat na oras din ang aming biniyahe from Manila to Nueva Ecija. Pero pagdating namin ay hindi pala makapasok ang sasakyan sa daan patungo sa bahay ng kanyang Lola dahil nasa may bukid pa pala at kailangan lang lakarin. Kaya naman iniwan na lang namin ang sasakyan sa may tindahan na kakilala rin ni Andrie, mabait naman daw ito at mapagkakatiwalaan kaya walang problema. Kaso sobrang lakas ng ulan at ang putik sa daan, hindi lang 'yun dahil napakadilim pa, walang mga streetlights palibhasa ay mga talahiban ang daan at bihira lang ang mga bahay. “Andrie, hindi ka ba nabibigatan sa akin?” nakokonsensya kong tanong habang hawak ang cellphone na ginagamit pang ilaw para makita namin ang daan. “Hindi po, Ma'am, ang gaan niyo