Book 2- Chapter 9

2205 Words

DAHIL sa ininom kong alak ay tanghali na nang magising ako kinabukasan, pagbaba ko ng kuwarto ay nakita kong nanonood na ng TV sa may sala ang mga anak ko. Nakaupo ang triplets sa couch habang may kinakain sa bowl, I think cereal kasi hilig nila 'yun kainin kapag nanonood, at nasa carpet naman si Dahlia na gumagapang habang binabantayan ni Ynna na kanyang nanny. “Good morning, mom.” “Good morning, mommy!” “Morning, mommy ko!” halos magkasabay na bati sa akin ng triplets pero nasa TV naman ang mga tingin. “Magandang umaga po, ma'am,” bati naman sa akin ni Ynna. Bumati rin ako pabalik at nakangiting lumapit sa anak kong si Dahlia— na hindi pa ako nakakalapit ay mabilis nang gumapang papunta sa akin habang tumatawa-tawa pa na tila tuwang-tuwa nang makita ako. “Oh hi, my baby Dahlia!” P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD