Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko habang nakatitig sa kanya at haplos pa rin ang kanyang kabilang makinis na pisngi. After a few moments, naramdaman ko na ang tuluyang paglabas ng mainit na luha sa aking mga mata at ang pagdaloy nito papunta sa aking pisngi. “Ma'am, bakit po kayo umiiyak? May problema po ba?” Andrie asked, makikita ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Nang hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kanya ay itinaas na nito ang kanyang kamay para sana punasan ang luha sa aking pisngi, pero parang nag-alangan pa kung ilalapat ba niya o hindi. At sa huli ay ibinaba niya ulit ang kanyang kamay na tila nahiya na ipagpatuloy ang balak na pagpunas sa luha ko. “M-May nagawa po ba akong mali, ma'am?” Iniwas na niya ang tingin na tila hindi na kaya pang makipagtitigan sa