Darius Skolav LARCO is like a brother to me, kuya ang tawag ko sa kanya dati dahil mas matanda siya sa akin ng isang taon. He's nice to me. Nung nasa ampunan pa kami ay pinagtatanggol niya ako sa lahat ng mga batang umaaway sa akin. I don't know the real reason, pero hindi lang mga bata sa ampunan na iyon ang mainit ang dugo sa akin, kundi pati ang mga madre ay pinag-iinitan ako ng walang dahilan. Minsan ay hindi nila ako pinapakain at ikinukulong pa sa isang lumang silid na puno ng alikabok. I was just 7 years old back then. Sa murang edad ay puro kalupitan na ang dinanas ko sa kamay ng mga taong nakapaligid sa akin. Pero nang dumating si Larco ay nagkaroon ako ng kaibigan, hindi lang basta kaibigan kundi tagapagtanggol. Naalala ko pa nung gabing pinasok namin ang kusina ng ampunan at ki