"Te-teka! What's this?" Naguguluhang tanong ni Rj sa dalawang dalaga. Bumili lang siya ng tubig tapos ganito na? Question and answer na? What the-- "Basta sagutin mo na lang ako. Mahal mo ba si Diane?" Napatingin ulit siya kay Diane. Ang dali namang sagutin 'yon kaso lang parang hindi niya maibigkas dahil hindi sa ganitong paraan sana gusto niyang ipagtapat ang nararamdaman niya para kay Diane. Oo, gusto niya ito! Gustong-gusto! Baka mahal na nga niya ito, eh! Pero hindi pa ito ang tamang oras o panahon. Wala naman siyang lakad para magmadaling magtapat, eh! "Sagutin mo na lang siya," kaso ay sabi rin ni Diane sa kanya. Seryoso ba ang mga batang ito? Or ganito na talaga ang mga kabataan ngayon? Tsk! Kung sabagay kaya nga nilang mang-gayuma pala, eh! Magustohan lang sila ng mga gusto n