"Nanang?" Agaw pansin ni Diane sa matandang babae na namimigay ng papel sa mga taong nagdaraan. Natigil naman ang matanda sa ginagawa at lumingon ito sa kanila ni Rj. At napadako agad ang malungkot nitong tingin sa hawak na papel ni Diane. "A-ano 'yon?" "Nanang kasi--" Ipinakita niya ang hawak niya na papel. "Asawa niyo po ba talaga itong nasa larawan?" Malungkot at nangingilid ang mga luha ng matanda na tumango. "Matagal ko na siyang hinahanap. Gusto kong humingi ng tawad sa kanya." Nagkatinginan sila Rj. "K-kilala niyo ba ang asawa ko?" tanong sa kanila ng matanda. Halos sabay na napatango sila ni Rj sa kawawang matanda. Hapung-hapo na ang kasi hitsura nito sa pamimigay ng papel sa mga tao. "Sumama po kayo sa 'min," sabi rito ni Rj. "Dadalhin po namin kayo kay Tatang," segunda ni