TORI | NORWAY Kararating ko lang sa Norway ngayon at nagpahatid ako sa taxi sa palasyo pero hanggang bukana lang ako ng first gate. Kanina pa ako nakikipag-usap sa intercom at pinapaliwanag na asawa ko si Philip pero ayaw n'yang maniwala. I even showed our wedding picture in the camera sa taas ng gate pero wala pa rin. Binanggit ko si Karlos, at ang panghuli ay si Johan. But for some reason, Johan introduced himself on the intercom and denied the fact of meeting me. Ang hayop at kalalaking tao ay sinungaling. Kanina pa ako nakatayo dito at pagod ako sa b'yahe. The taxi has left dahil tumatakbo ang metro at lumalaki ang bill ko. Where the hell is Philip? By now, dapat nakabalik na s'ya from Spain. Hanggang ngayon ay wala pa s'yang reply sa akin o kahit na tawag. It's so unlike him at nags