PHILIP Pumasok kami sa La Perejil ni Karlos para subukang mag-apply ng trabaho. Without any credentials, panay na lang ang dasal ko na sana ay mabait ang manager at pakinggan kami. I swear to return the favor to the person who's going to help us sa abot ng aking makakaya. There were a few people eating inside at isang simpleng babae ang nagseserve ng pagkain sa mga ito. Mayroon s'yang maliit na mesa na my gulong para hindi bitbitin. Bukod sa kanya ay may isang babae sa kaha na kamukha n'ya. I think this is a family restaurant. Nang mailapag ng babae ang huling order ay nakita n'ya kami. Ngumiti s'ya sa amin and I don't know why, but she reminds me of my wife. Siguro dahil miss na miss ko na ang asawa ko kaya ganito ang pakiramdam ko. She approached us and asked if we're dining in. "No