PHILIP | SPAIN Kanina pa ko paikot-ikot ni Karlos sa Espanya at wala kami kahit anong pwedeng pagkakilanlan sa amin. Johan booked our flight at dahil sa kagustuhan kong mapuntahan agad si George ay nagcommercial flight kami ni Karlos. Okay na sana ang lahat pero nang makalabas kami ng airport ay doon na nagsimula ang kamalasan namin. Nag-low profile lang ako dahil mahirap gumalaw ng hindi ko alam kung sino ang traydor. We were able to check in at the hotel. Three star lang ito at may vault naman kaya okay na. I figured if we checked in at a more expensive hotel, mas madali kaming makikilala. Isa pa, baka nakabantay na ang press. Bayad na ang hotel ng isang linggo at may free breakfast na rin ito. Karlos and I shared a room dahil dalawa naman ang double bed sa kwarto. Pinili kong huwag