Kinabukasan ay maagang bumangon si Ghana upang pumasok sa trabaho. Tumawag kasi si Antonio kagabi upang ipaalam sa dalaga ang gaganaping Christmas Special Fashion Show ng kumpanya bago sila mabigyan ng mga Christmas break sa darating na Lunes. Hindi na kasi narinig ni Ghana ang announcement na ito kahapon sapagkat hindi na hinayaan ni Cassiopeia na bumalik siya sa trabaho pagkatapos nilang kumain. Bagkus ay yinaya na lang niya itong manood ng sine. Matapos ang mabilisan paghahanda ay kaagad na pumara ang dalaga ng jeep na sasakyan. May iilan namang mga kasabayan niya ang nakakilala sa kanya at magalang na nakiselfie kasama siya. Medyo nasasanay na rin siya sa mga ganito simula noong lumabas ang end month Magazine ng Manila Times. Ang maganda naman ay mahinahon siyang inaapproach ng mga gu