Pasado alas sais na ng gabi nang may bumusinang itim na limousine sa harap ng apartment na tinitirhan ng dalaga. Bahagya namang sumilip sa may bintana si Ghana upang kumpirmahin ang inaakala niya. Sabi kasi sa text ni Cassiopeia ay magpapadala raw siya ng itim na sasakyan na susundo sa kanya sapagkat magiging busy rin siya sa paghahanda sa kanilang tahanan. Matapos ang mabilisang pagcheck ng sarili gamit ang salamin ay dagli ng tinungo ng dalaga ang ang hagdan pababa at lumabas sa may gate. Nakasuot siya ng simpleng kulay pink na floral dress na ang harapan ay umaabot hanggang tuhod ngunit ang laylayan sa likuran ay umaabot hanggang dapan. Binili niya ito noong isang araw para may disenteng masuot sa dinner. Ayaw naman niyang magmukhang pulubi sa harap ng mga Sison. Tsaka okay na rin iyon

